Huwag magtanong kung pwedeng magtanong, dumiretso ka na lang sa pagtatanong
Paminsan-minsan, sa mga online chat room na pinalalagian ko, may bumibisita at nagtatanong nang,
Foobar123:
Maraming dahilan kung bakit mali ang paraan ng pagtatanong na ito. Ang talagang tinatanong niya ay,
Foobar123:
Maraming rason kung bakit hindi magpaparamdam ang mga MERON NGANG alam. Sa pagpapaalam mo bago magtanong, mas lumalaki ang tanong mo kaysa sa inaakala mo.
Hinihiling mo sa mga tao na umako sila ng responsibilidad. Kinukwestyon mo ang kumpiyansa ng mga tao sa galing nila. Nagsasayang ka rin dahil sa panghaharang mo sa ibang tao. Madalas akong sumasagot sa mga tanong na may kinalaman sa mga wika o library na hindi ko ginagamit, dahil (sa isang mala-programmer na dahilan) common sense lang naman ang sagot.
Pwede rin itong intindihin bilang…
Foobar123:
…na purong katamaran lang. Kung hindi ka willing na solusyonan ang sarili mong problema, kami pa kaya?
Hindi solusyon ang pagtatanong kung pwedeng magtanong, dapat ay magtanong ka na lang. Imposibleng sagutin ng sinumang nakatambay sa channel ang tanong mo "kung pwede bang magtanong", pero baka mapukaw ang interes nila at mapasagot sila kung ilalarawan mo ang problema mo nang maayos.
Kaya, in short, huwag tanungin kung "Meron bang magaling diyan sa Java?", pero imbes ay "Paano ako makakapag-[problema] sa Java at [iba pang konektadong impormasyon]?"
Ika nga nila, "'wag mahihiyang magtanong…"
Iba pang mga katulad na problema: Ang Problema sa XY, 'Wag Mangamusta. Magbasa pa: Paano gumawa ng magandang tanong?, o kung may oras ka pa: Paano Matalinong Magtanong.